Thea and friends Part - 2
This story is about the adventures of Thea and her friends.
Habang naglalakad si Thea pabalik sa table namin, tahimik ko siyang pinagmasdan. Napansin kong wala na siyang hawak na phone—bitbit na lang niya ang kanyang maliit na bag. Pagkalapit niya sa akin, agad siyang nagsalita.
Thea: “Sorry, hon, natagalan ako ng konti. Tumawag kasi si Sam, sinagot ko na lang kaya nag-usap kami sandali.”
Tumango ako na para bang walang nangyari. Pero sa isip ko, kung si Sam lang ang kausap niya, bakit may narinig akong tinawag niyang "Sir" sa phone? Isang tanong na biglang sumagi sa aking isipan. Gayunpaman, upang hindi mahalata ni Thea na may malalim akong iniisip, agad kong inilihis ang usapan.
"Ummm, hon, ano kaya kung uminom tayo ng konti?"
Napatingin siya sa akin, halatang nagulat.
Thea: "Ano naman ang iinumin natin?"
"Ikaw, kung anong gusto mo. Okay lang sa akin kahit ano," sagot ko sabay ngiti, na parang may hamon sa aking tono.
Thea: "Okay, sige. Wine na lang siguro." Pagkatapos ay siya na ang pumili ng wine.
Nagulat ako sa sagot niya dahil medyo matapang ang wine na pinili niya. "So, umiinom na pala siya ng ganito?" naisip ko. Pero naisip ko rin na mas okay na rin iyon—magiging mas madali para sa akin ang kunin ang kanyang phone kapag nakainom na siya.
Maya-maya, umakyat na kami sa aming kwarto sa ika-anim na palapag ng hotel. Maganda ang kwarto namin, may maliit na terrace na may lamesa at ilang upuan. Perfect na lugar para sa isang tahimik na inuman.
Pagpasok namin, agad kong tinawagan ang reception at nag-order ng wine at pulutan. Si Thea naman ay pumasok sa banyo upang mag-shower, gaya ng nakasanayan niya bago matulog.
Habang hinihintay ko siya...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





