HECTOR'S ADVENTURES (Chapter 14 - Hector and the Aswang)
Hector battles a supernatural being.
This is a work of fiction. Names, characters, events, and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
---
Hindi mapakali si Hector. Pabalik-balik siyang naglalakad sa pasilyo sa labas ng operating room suite ng ospital. Ang tindi ng takot na kanyang nararamdaman. Panay ang dasal niya na sana’y maging maayos ang lahat.
Kanina pa nagsimula ang emergency cesarean section ni Trisha. Isinugod niya ang dalaga sa ospital nang biglang pumutok ang panubigan nito. Habang minomonitor si Trisha ng mga doktor sa loob ng labor room ay napansin nilang bumabagsak na ang tibok ng puso ng hindi pa naisisilang na sanggol. Nagpasya ang kanyang Ob Gyn na ilabas na ang bata sa pamamagitan ng operasyon. Halos magwawalong buwan pa lamang ang anak nina Hector at Trisha.
Sa wakas, matapos ang matagal na paghihintay ay bumukas na ang double doors ng OR suite. Lumabas ang pediatrician na nakasuot ng asul na OR gown at cap. Nasa mga bisig nito ang isang umiiyak na sanggol na nakabalot ng kulay pink na tuwalya. Nakangiti itong lumapit sa binata.
“Dr. Guzman?” tawag ng doktora sa kanya.
Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi siya halos makapagsali...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





