STRICTLY BUSINESS (Kagat Sa Mansanas Part 14)
“Glad to meet you in person, Ms Desiree Luna,” naka-ngising bungad ni Dominic ng dumating siya sa kanyang office.
Masisira ba ang cover nya ng ngising-demonyo na nasa harapan nya?
Not quite. She was wearing her contact lenses. Green ang mga mata ni Desiree Luna. At itim na itim ang kulay ng contact lenses nya ngayon. Natural brown ang likas na kulay ng mga mata ni Shirley.
“I don’t know what are you talking about, sir,” matatag at kalmanteng sabi nya.
“Shirley Dacoycoy at your service, sir.” Sabi nyang iniabot ang kamay sa kaharap.
“Pease take your seat, and may I know what business has brought you here?” nakipagtitigan siya sa kaharap.
Nabura ang pagkakangisi ni Dominic. Parang nalilito siya. Sure si Ren sa dossier na ipinadala nito sa email nya. Ayon dito, ang alyas Desiree Luna at ang financial Advisor ng City Financial Group na si Shirley Dacoycoy ay iisa.
Pero, maliban doon ay wala siyang public evidence na si Shirley at si Desiree Luna ay iisa nga.
“I am just thinking na may alter ego ka. Kamukhang-kamukha mo ang kilala kong stripper sa Billionaires Club.”
“You are defaming me Mr…what’s your name? Hindi ka pa nagpapakilala sir nag-aakusa ka na.”
Biglang napipilan si Dominic.
“Mali na naman,” he cursed himself.
Tags
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





