TATLONG PUGAD ISANG IBON (Part 2)

Sa kanilang murang edad natukso silang pagbigyan ang kanilang pagnanasa sa isa't-isa.

..

Nilalakad ko lang ang distansya, mula sa amin hanggang sa aming paaralan. May kalayuan din ito, kung tutuusin. Halos kalahating oras na matuling paglalakad, bago ko ito marating.  Nakagawian ko ng daanan sa pagpasok ko sa school ang matalik kong kaibigan na si Rizal. Lito talaga ang tawag sa kanya ni nanay Martha, na siyang nakagisnan nyang ina. Pero, nung mag- high school kami, ay ipinasiya nyang gawing  ‘Rizal’ ang palayaw sa kanyang tunay na pangalang, Rizalito. Kahit man lang daw sa palayaw, ay maging bayani siya.

 

Mas matanda ng dalawang taon sa akin si Rizal. Dalawang ulit siya sa grade 5 at grade 6. Sinadya nya raw iyon para raw sabay kaming mag- highschool. Pero, section Sampaguita ako, at section Kampupot siya. Pero, mas marami siyang alam tungkol sa buhay kesa sa akin. Lalo pagdati...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow