THE MOUNTAIN OF DESIRES (PART 13 PAG-ASAM)

..

Maaga pa ay nasa kaingin na si mang Poldo. Apat na buwan na ang mga tanim nyang kamoteng kahoy. Dalawang buwan na lang pwede na siyang mag-ani. Nakakatuwang pagmasdan ang hile-hilerang kamoteng kahoy na halos ay lagpas bewang na nya ang mga taas. Parang kumukumpas- kumpas ang mga  dahon nito sa mabining pag-ihip ng hanging bundok.

May dala na siyang kaserola na paglalagaan ng kapeng barako. May baon na siyang pananghalian na mainit na kanin at nilagang itlog ng manok. May tapayan siya ng tubig sa kanyang munting kubong pahingahan sa kaingin.

Kasalukuyan na siyang abala sa paghahawan sa dako ng kanyang sagingan ng marinig nya ang pagtawag ni Zeny sa may ibaba ng kaingin. Mabilis nyang ipinahid ang ginagamit na sundang sa isang puno ng saging bago nya isinuksok sa kaluban na nakasukbit sa kanyang bewang.

Mabilis siyang bumaba para salubungin si Zeny.

“Dinalhan kita ng maruya…” sabi nito na iniabot sa kanya ang isang basket na may laman na nakabalot sa dahon ng saging.

“Ginatasan ko rin kanina si Damulag…hati tayo sa nagatas ko sa kalabaw mo,” sabi pa nitong nakangiti. Ang nakikita ni mang Poldo sa mukha ni Zeny ay ang mukha ng una nyang asawang si Nena. Bagaman at may pait sa kanyang gunita ang ala-ala ni Nena, hindi mapapasubaliang si Nena ang nagturo sa kanyang umibig. At ang pag-ibig na iyon ay naririto sa kanyang puso at binubuhay ni Zeny.

“Halika muna sa kubo at pagssaluhan natin ang ...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow